Agarang pag-apruba sa Archipelagic Sea Lanes Bill, panawagan ng isang kongresista sa gitna patuloy na mga agresibong aksyon ng China sa WPS

Umaapela si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga kapwa mambabatas na agad ipasa ang panukalang magtatakda ng Philippines’ archipelagic sea lanes upang hadlangan ang hindi awtorisadong paglalayag ng mga dayuhang sasakyang pandagat sa ating territorial waters at airspace.

Panawagan ito ni Yamsuan sa gitna ng mga mapanganib na aksyon ng China na nagresulta sa banggaan kamakailan ng barko ng China Coast Guard (CCG) at barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na may dalang suplay para sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Dismayado si Yamsuan sa hindi pagkilala ng China sa ating freedom of navigation sa loob mismo ng ating exclusive economic zone (EEZ).


Bunsod nito ay iginiit ni Yamsuan ang agarang aksyon para mapigilan ang patuloy na mga aktibidad ng China sa karagatang sakop ng ating teritoryo ng walang pahintulot ng ating pamahalaan.

Tinukoy rin ni Yamsuan ang pahayag ng Office of the Solicitor General at National Security Council, na ang pagtatakda ng Philippines’ archipelagic sea lanes at pagpapatupad ng Maritime Zones Act ay makakapagpalakas sa isinusulong ng Pilipinas na pagtalima ng lahat ng bansa sa international law.

Facebook Comments