Nangako si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pagbubukas ngayong huling linggo ng Hulyo ng 2nd Regular Session ng 19th Congress ay agad nilang aaprubahan ang panukalang Anti-Agricultural Smuggling Act.
Sabi ni Romualdez, isa ito sa mga panukalang nais ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na agad maisabatas at napagkasunduan na bibigyang prayoridad sa nakaraang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Tiwala si Romualdez na makatutulong ang nabanggit na panukala sa kampanya ng gobyerno laban sa smuggling lalo na sa mga produktong pang-agrikultura gaya ng sibuyas.
Paliwanag ni Romualdez, target ng panukala na mapahusaya ng mekanismo at mapabigat ang parusa laban sa mga sangkot sa smugglimg agricultural products, tulad ng sibuyas.