Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Timor Leste Prime Minister Ruak dahil sa agarang pag-deny o hindi pagtanggap sa aplikasyon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na asylum o paghingi ng proteksyon para manatili sa Timor, Leste.
Ayon sa pangulo, sa ginawang ito ng pamahalan ng Timor Leste mas mapapabilis ang pag-uwi ni Teves sa Pilipinas para sagutin ang mga alegasyon sa kanya.
Si Teves ang umano’y isa sa posibleng masterminds sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.
Ginawa nang pangulo ang pagpapasalamat matapos na banggitin mismo ni Primi Minister Ruak ang application for Asylum ni Teves sa kanilang bilateral meeting kahapon sa Indonesia.
Una nang iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gobyerno ng Timor-Leste na huwag tanggapin ang application for political asylum ni Teves at maglabas ng order na umalis ito sa Timor Leste sa loob ng limang araw