Agarang pag-deploy ng bakuna sa mga lugar na ubos na ang suplay, tiniyak ni Vaccine Czar Galvez

Tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na agad nilang maide-deploy ang mga COVID-19 vaccines sa mga probinsiya at Local Government Units (LGUs) na nauubusan na ng suplay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kasunod ito ng natatanggap na reklamo sa labas ng NCR Plus na limitado ang bilang ng mga natatanggap na bakuna sa kanilang mga siyudad at probinsiya.

Ayon kay Galvez, committed ang gobyerno na bibigyan ang mga LGUs ng mga bakuna para makamit ang population protection sa bawat rehiyon.


Habang mayroon din aniyang dashboard ang National Vaccination Operation Center para i-monitor ang mga vaccine deployment sa mga LGUs sa buong bansa.

Sa ngayon, nasa tatlong milyon vaccine doses ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong Hunyo, kung saan 1.5 million doses mula sa Sinovac; 250,000 doses mula sa Moderna at mahigit dalawang milyon na doses mula sa AstraZeneca na manggagaling sa COVAX Facility.

Facebook Comments