Agarang pagbalik sa pre-pandemic school calendar, inihirit ng House Minority Leader

Iginiit ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan sa pamahalaan na agarang ibalik ang school calendar na ipinapatupad bago nagkaroon ng pandemya kung saan nakatakda tuwing summer o tag-init ang bakasyon ng mga estudyante.

Sa kasalukuyang school calendar ay nagsimula ang klase ng Agosto at magtatapos ng July kaya may pasok ang mag-aaral kahit Abril at Mayo na pinakamainit na mga buwan.

Diin ni Libanan, kailangang ipatupad muli ang pre-pandemic school calendar para maproteksyunan ang mga mag-aaral at mga guro laban sa napakatinding init.


Binanggit ni Libanan na maraming mahihirap na mag-aaral, tulad ng mga benepisaryo ng 4Ps, ang naglalakad ng malayo papunta at pauwi mula sa kanilang mga paaralan.

Paliwanag ni Libanan, ang mahabang paglalakad sa ilalim ng matinding init ay malaking banta sa kanilang kalusugan.

Facebook Comments