MANILA – Pina-plantsa na ng pamunuan ng Social Security System ang anumang problemang teknikal upang agarang maibigay ang inaprubahang paunang isang libong pisong dagdag na pensyon sa mga retiradong SSS member.Sa interview ng RMN kay SSS President Emmanuel Dooc – sinisikap na nilang tugunan ang usaping teknikal at dagdag na pondo upang hindi na ma-delay ang pagbibigay ng nasabing dagdag pensyon.Nilinaw ni Dooc – bagamat sa Pebrero pa posibleng maibigay ang dagdag pensyon, tiniyak naman nito na ire-retro o ibibigay pa rin ang para sa buwan ng Enero.Samantala, ikinatuwa naman ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ang isang libong pisong dagdag pensyon.Ayon kay Colmenares, na isa sa mga nagsusulong sa kamara sa SSS pension hike –malaking bagay ito para sa mga senior citizens.Pero sa kabila nito, umaasa ang mambabatas na hindi muna ipapatupad ang dagdag naman na contribution sa mga miyembro ng SSS sa Mayo.
Agarang Pagbibigay Ng Dagdag Na Isang Libong Pisong Pension Sa Mga Senior Citizens – Inaayos Na Ng Sss, Dagdag Naman Na
Facebook Comments