
Mariing kinondena ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ang brutal na pagpaslang kay Datu Odin Sinsuat Election Officer Atty. Bai Maceda Abo at kanyang asawa sa Maguindanao del Norte kahapon ng umaga.
Ayon kay WestMinCom Commander LtGen. Antonio Nafarrete, inatasan na niya ang Joint Task Force Central na makipagtulungan sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region upang agad na madakip ang mga salarin.
Sinabi ni Nafarrete na pinaigting na ang seguridad upang maiwasan ang karahasan at matiyak ang kapayapaan sa lugar.
Kasunod nito, nanawagan ang WestMinCom sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga suspek.
Aniya, walang puwang sa lipunan ang mga gumagawa ng karumaldumal na krimen at hindi dapat sirain ng mga ito ang mga napagtagumpayang kasunduan para sa kapayapaan.