Dahil sa bigla na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, inirekomenda ngayon ng OCTA Research Team ang pagpapaigting sa mabilis na pagresponde ng lokal na pamahalaan.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Team Fellow Dr. Michael Tee na sa loob ng bahay pinakamatindi ang nakikitang hawahan ng COVID-19.
Paliwanag ni Tee, mas high risk sa loob ng bahay dahil magkakalapit ang mga miyembro ng pamilya kapag nag-uusap, kumakain at hindi naman naka-face mask ang mga ito.
Bunsod nito, inirekomenda ni Tee ang muling pagbuhay ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na siyang agad na re-responde sa mga residente na may sintomas o positibo ng virus upang dalhin sa mga isolation center.
Facebook Comments