AGARANG PAGDURUGTONG NG DRAINAGE SYSTEM SA BURGOS ST. DAGUPAN CITY, GUSTONG UNAHIN

Iginiit ng Pamahalaang Panlungsod na kailangang maidugtong agad ang drainage systems sa kahabaan ng Burgos St. mula West Central Elementary School hanggang Brgy. Tapuac bilang pinakaapektado ng pagbaha tuwing high tide.

Bahagi ng metro area ang naturang bahagi dahilan upang idugtong ang drainage system nito sa natapos nang road elevation upang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig baha.

Bukod dito, inihayag din ng alkalde ang rehabilitasyon ng mga creeks at flood gates at pagtataas ng lebel ng mga drainage outlets sa Careenan at Arellano St. na kadalasang binabaha.

Umabot sa 3.87 talampakan ang peak ng high tide sa Dagupan City na naglubog sa ilang bahagi ng Downtown Area kahapon nang umaga.

Kaugnay nito, nakipagpulong na ang lokal na pamahalaan sa Department of Public Works and National Highways at City Engineering Office upang agad maaksyunan ang problema sa pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments