Ipinanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian ang agarang pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act.
Ito ay bago ang pagbibigay ng mga prangkisa ng Kongerso sa mga bagong telco players – partikular ang DITO Telecommunity Corporation.
Apela ni Sen. Gatchalian sa Kamara na ang nasabing batas ay mabibigay ng flexibility sa publiko na lumipat sa bagong telco na hindi na kailangang magpalit pa ng bagong mobile number.
Dagdag pa ng senador, masyado nang naantala ang pagpapatupad ng batas na dapat ay noong nakaraang taon pa.
Hangad ni Sen. Gatchalian na mapadali ang buhay ng mga Pilipinas sa pagpapalit ng network provider na hindi na kailangan pang magbayad ng dagdag na buwis.
Sa pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act, mas mapahuhusay nito ang kompetisyon at makakapili ang mga tao ng serbisyo na aprub sa kanila.