Itinulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang na pagbuo ng ASEAN-China Code of Conduct sa gitna ng mga agresibong aksyon ng China sa South China Sea.
Sa 27th ASEAN-China Summit sa Laos, sinabi ng pangulo na nakakalungkot umanong isipin na patuloy na nagiging punterya ang Pilipinas ng mga pangha-harass at pananakot.
Dahil dito, iginiit ng pangulo na kailangan nang madaliin ang negosasyon para sa code of conduct dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasusunod ang konsepto ng “self-restraint”.
Dapat aniyang maging bukas ang lahat ng partido na resolbahin ang mga pagkakaiba-iba para humupa ang tensyon.
Bagama’t hindi nakadalo sa si Chinese Pres. Xi Jinping, present naman sa summit si Chinese Prime Minister Li Qiang.
Facebook Comments