Nanawagan si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa Senado na ipasa na House Bill 7363 o panukalang “Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o P3 Act” na ipinasa na ng Kamara noong Marso ng nakaraang taon.
Layunin ng panukalang batas ni Yamsuan na ma-protektahan ang mga micro-entrepreneurs o mailiit na negosyate laban sa mga nagpapa-utang ng “5-6.”
Ang P3 Act ni Yamsuan ay magbubukas ng mas mainam na paraan ng pautang sa mga micro and small enterprises (MSEs) tulad ng miliit na sari-sari store, carinderia, market vendors at iba pa.
Sa naturang pautang na ipapasailalim sa Small Business Corporation ng Department of Trade and Industry ay walang collateral, madaling bayaran at may mababang interes na hindi hihigit ng 1% kada buwan sa direct lending at 2.5 percent kada buwan kung hiniram mula sa mga partner financial institutions.
Ayon kay Yamsuan, paraan ito para hindi na maloko o mapilitan ang mga maliliit na negosyante na kumapit sa 5-6 o iba pang informal lenders kung saan sila ay mababaon sa utang dahil sa ipinapataw na napakalaking intres na umaabot sa 20 porsyento kada buwan.