Agarang pagpasa ng sa mga panukalang Tax Reform Package, mauudlot dahil sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Dahil sa ASEAN Summit, mauudlot ang agarang pagpasa ng Senado sa panukalang Tax Reform Package.

November 13 hanggang 15 sana plano ng Senado na ipasa ang pamukalang Tax Reform Package sa ilalim ng Duterte administration.

Pero ayon kay Senate President Koko Pimentel, mauudlot ito dahil sa pagdeklara na holiday sa nabanggit mga petsa para bigyang daan ang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.


Sabi ni Pimentel, pinaplantsa na nila ni Senate majority leader Tito Sotto III ang panibagong skedyul para sa proseso ng pagpasa Tax Reform Package.

Binawi ni Senator Pimentel ang naunang pahayag na tuloy ang session ng senado kahit holiday sa katwirang kailangan nilang makipagtulungan sa napakahigpit na seguridad na ipapatupad para sa ASEAN Summit.

Binigyang konsiderasyon din ni Pimentel ang gagawing pagsasara ng mga kalye patungo sa mga lugar pagdarausan ng ASEAN Summit sa bahagi ng Pasay City kung saan malapit din ang gusali ng Senado.

Facebook Comments