
Mahigpit ang direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units na agad magsagawa ng inspection sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Cebu at Mindanao.
Sa isang advisory, dapat ay magsagawa ang mga LGU ng structural evaluations sa mga apektadong gusali, imprastraktura at mga bahay.
Ito ay para masigurong ligtas ang mga residente at hindi na magkaroon pa ng na ng casualtis dahil nagpapatuloy pa ang mga aftershock na nakakaapekto sa Regions 6, 1 at Caraga.
Ayon sa DILG, dapat at pangunahan ng building officials, municipal at city engineers at iba pang technical personnel ang isasagawang inspeksiyon.
Nararapat din umanong unahin ang mga istruktura na labis na naapektuhan ng lindol kabilang na ang mga nakitaan ng bitak, bahagyang gumuho at napinsala ang pundasyon.
Kasabay niyo, hinikayat ng DILG ang lahat ng LGU sa pamamagitan ng kanialng Regional Disaster Risk Reduction and Management (RDRRM) Councils na makipag-ugnayan sa DPWH District Engineering Offices, Local DRRM Offices at Barangay Officials sa pagsasagawa ng joint inspections.
Binigyang-diin ng DILG na dapat ay magpatupad agad ang mga LGU ng kaukulang aksiyon sa mga istruktura na idineklarang hindi na ligtas at agad magsagawa ng evacuation at relocation ng mga apektadong pamilya at dalhin sa mga temporary shelters.









