Agarang replanting ng mga tanim ng magsasakang naapektuhan ng kalamidad, iniutos ni PBBM sa DA

Agad tulungan at alalayan ang mga magsasakang nasalanta ang mga pananim bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ito naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture o DA sa gitna ng ginagawang pagtugon ng gobyerno sa kalamidad.

Ayon sa pangulo, nais niyang ikasa ng DA ang replanting ng mga pananim upang makabawi sa pagkalugi ang mga magsasaka.


Bukod dito, pinabibilisan na rin ng pangulo ang proseso sa bayad-pinsala sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance system.

Samantala, inatasan din ni Pangulong Marcos ang DA na agad na mag-deploy ng Kadiwa rolling stores sa mga apektadong lugar ng bagyo upang makabili ng mas murang produkto ang mga mamamayan at mapalawak ang fleet contracting sa mga pribadong sasakyan.

Facebook Comments