Agarang tulong, dapat ibigay sa mga apektado ng class suspension

Nagpahayag ng pangamba si Senador Sherwin Gatchalian kasunod ng dumaraming bilang ng mga paaralan na hindi muna magbubukas ngayong School Year.

Kasunod ito ng report ng Department of Education (DepEd) na 748 pribadong paaralan ang hindi muna magpapatuloy ng operasyon dahil sa naging pinsala ng COVID-19 pandemic.

Apektado rito ang mahigit 3,000 mga guro at mahigit 40,000 mag-aaral.


Kaya ngayon, isa nang ganap na batas ang Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2), ay isinusulong ni Gatchalian ang agarang pagmamahagi ng ayuda sa mga guro at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng Bayanihan 2, ay may 300-milyong pisong nakalaan para sa one-time cash assistance na ipapamahagi sa mga apektadong guro at non-teaching personnel ng mga pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas.

Kabilang dito ang mga part-time faculty at non-permanent teaching personnel, pati na rin ang part-time faculty ng mga State Universities and Colleges (SUCs).

Hinimok din ni Gatchalian ang DepEd na magkaroon ng isang database upang maging maayos ang pamamahagi ng ayuda.

Facebook Comments