Agarang tulong para sa mga apektado ng LPA sa Caraga Region, tiniyak ni Pangulong Marcos

PHOTO: RTVMalacañang

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang tulong para sa mga naapektuhan ng low pressure area (LPA) sa Caraga region.

Partikular dito ang pagkakaroon ng access sa gamot at malinis na inuming tubig.

Sa situation briefing sa Prosperidad, Agusan del Sur, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal sa lugar na makipag-ugnayan sa kinauukulang ahensya para agad na makaresponde sa mga apektadong lugar.


Iniutos din ng pangulo ang paglalagay ng mga water purifiers sa mga apektadong lugar sa halip na mamahagi ng bottled waters.

Kaugnay nito, pinakilos na Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tauhan nito para makapaghatid ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar na apektado ng dulot ng LPA.

Samantala, nagpalabas na ang pamahalaan ng kabuuang ₱120 million na financial assistance sa mga naapektuhang LPA at ng lindol sa Caraga Region.

Facebook Comments