AGARANG TULONG PARA SA MGA NASALANTA NG SUPER BAGYONG UWAN, PRAYORIDAD SA MANGALDAN

Prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng Super Typhoon Uwan, ayon sa isinagawang pulong ukol sa Quick Response Fund.

Iniulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na may ₱23.58 milyon na hindi nagastos na pondo mula 2019–2024 na ilalaan para sa disaster management.

Kabilang sa nakaplanong tulong ang ₱4.7 milyon para sa relief operations, materyales sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, at pagbili ng garbage truck.

Batay sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), may 70 bahay na totally damaged at 200 bahay na partially damaged dahil sa bagyo.

Patuloy ang damage assessment ng MDRRMO, Engineering Office, at MSWDO upang matiyak na wasto at mabilis na makarating ang tulong sa mga naapektuhan.

Facebook Comments