Agaw bato case laban kay Albayalde noong 2014, pinapasilip sa DOJ

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Department of Justice o DOJ na siliping muli ang kaso ng drug recycling sa Pampanga noong 2014  kung saan nakakaladkad ang pangalan ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde.

Paliwanag ni Lacson, maari pang imbestigahang muli ng DOJ ang insidente dahil hindi pa ito umabot sa korte.

Base sa mga reports, itinakbo at ibinenta umano ng anti-drug operatives ng Bulacan police ang 2/3 ng nakumpiskang shabu at pinalitan ng ibang tao ang kanilang nahuli dahil umano’y nagkabayaran.


Drug lord umano sa Bilibid ang kinontak ng mga pulis para maibenta ang droga.

Si Albayalde ay nasuspinde noon dahil sa command responsibility habang nasuspinde rin ang umano’y mga agaw-bato cop pero nakabalik na sa serbisyo at ang iba ay na-promote pa.

Diin ni Lacson, lumitaw naman na walang kinalaman si Albayalde sa krimen kaya wala itong dapat ikabahala sa panibagong imbestigasyon.

Facebook Comments