Nauwi sa saksakan ang agawan ng mikropono sa isang videoke bar sa lungsod ng Dagupan City.
Masayang nag iinuman ang biktima na nakilalang si Rommel Aquino at suspek na nakilalang si Joel Augustin sa isang inuman sa Herrero Perez, Dagupan City ng magkainitan ang mga ito.
Nag umpisa ang komosyon habang kumakanta ang biktima ng biglang inagaw ng suspek ang mikropono dahilan para magtalo ang dalawa.
Dito na naglabas ng icepick ang suspek at agad na sinaksak ang biktima na agad naman naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.
Samantala nahuli naman ng mga rumespondeng Pulis ang suspek kasama ang icepick na ginamit nito sa pananaksak. |ifmnews
Facebook Comments