Agawan sa house speakership, lalong tumitindi

Manila, Philippines – Posibleng umabot na sa anim na mambabatas na ang maglalaban-laban sa house speakership.

Bukod kina Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Taguig Representative Alan Peter Cayetano, Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, Leyte Representative Martin Romualdez at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate ay nagpahayag na rin si Davao City Representative Paolo Duterte na tatakbo sa naturang posisyon.

Ayon kay Pulong – hati kasi ang Kamara at baka makatulong siya na mapagkaisa ito.


Sa usapin ng term sharing, sinabi ni Congressman Duterte na gawing term sharing na silang lahat.

Sabi ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales, Executive Vice President ng PDP-Laban – mismong si Velasco ang nagsabi na aatras siya at susuportahan niya ang presidential son.

Para kay Ako-Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin – hindi rin matatawaran ang impluwensya sa Kamara ng kapatid ni Pulong na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni PDP-Laban Spokesperson Ronwald Munsayac, magpupulong sila ngayong araw para pag-usapan ang mga pangyayari.

Facebook Comments