AGE DOESN’T MATTER | Senior Citizen sa South Cotabato, nagpatuli sa isinagawang libreng tuli program

South Cotabato – Hindi naging hadlang sa isang 61-anyos at tatlong iba pa ang edad sa kagustuhan ng mga ito na magpatuli sa isinigawang mini-outreach program ng provincial government ng South Cotabato sa Sitio Tapok, Barangay Moloy, Surallah kahapon.

Ayon kay Gerry Gamo, Barangay Affairs Unit (BAU) Chief ng South Cotabato na pito umano ang nagpalista upang magpatuli na nasa edad na 38-anyos at isa dito ang 61-anyos ngunit ang tatlo ang hindi nagpatuloy.

Nilinaw naman ni Gamo na isa sa nagpatuli ang sitio leader na nasa edad na 50-anyos at hindi ang senior citizen.


Dahilan naman umano ng apat na kalalakihan kung bakit hindi natuli dahil sa sobrang layo ng kanilang lugar sa health center.

Kinumpirma din ng BAU Chief na nasorpresa siya na maraming mga may edad ang nagpatuli kahapon na unang bes umano itong nangyari sa isinasagawang outreach program sa mga malalayong lugar ng provincial government.

Bilang insentibo nakatanggap ang apat ng tig-iisang sako ng bigas mula sa lokal na pamahalaan ng South Cotabato.

Dahil dito umaasa sila ayon kay Gamo na marami pang may edad ang mahikayat na magpatuli dahil sa ibinibigay na insentibo.

Sa nasabing outreach program marami ring mga kabataan sa barangay ang nabigyan ng libreng tuli.

Facebook Comments