“Age stratification” sa COVID-19 vaccination, maaaring pairalin sa mga kasama sa A4 category

40

Iminungkahi ng Department of Health (DOH) sa mga kompanya at mga Local Government Unit (LGUs) na sundin ang “age stratification” sa pagbabakuna sa mga nasa A4 category dahil sa limitadong supply ng COVID-19.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, mas vulnerable sa COVID-19 ang mas matatandang indibidwal kaya’t mas mainam kung sila ang uunahing bakunahan mula sa essential workers.


Base sa “age stratification”, ang dapat unahin na babakunahan ay ang mga 40 hanggang 59 taong gulang at susundan ng mga 18 hanggang 39 anyos.

Una nang sinabi ng Inter-Agency Task Force (IATF) na igu-grupo sa tatlo ang A4 priority group kung saan hahatiin ito sa mga empleyadong ‘on site,’ mga empleyado ng pamahalaan at mga manggagawa sa informal sector.

Facebook Comments