Nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang kanyang concern o pagalalala sa mga ageing populaton o populasyon ng mga nakatatanda sa buong Southeast Asia kaugnay sa ginaganap na 42nd Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Indonesia.
Batay kasi sa ulat ng Asian Development Bank, isa sa apat na tao sa Asya pasipiko at magi edad ng mahigit 60 taong gulang pagsapit ng taong 2050.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, ang usapin ito ay unang pagkakataon na tinalakay sa ASEAN summit partikular sa 42nd ASEAN Summit Plenary Session kaya para sa Pangulo dapat na matutukan ang isyung ito.
Sabi pa nang pangulo, ang deka-dekadang pagpapanatili ng economic growth at prosperity ay magreresulta sa mas mahabang lifespans sa ASEAN.
Dahil dito mahalaga ayon sa pangulo na matalakay ang usaping ito lalo’t nanatili ang ASEAN tradisyon na pagpapahalaga sa mga nakatatanda.
Dagdag pa ng pangulo dapat na tingnan ito bilang oportunidad o kaya pagsubok lalo sa usapin ng tamang social benefits at social empowerment
Ayon pa sa pangulo ang layunin ng ASEAN ay matiyak na maayos na kalusugan ng mga nakatatanda, may ligtas, may dignidad at produktibong buhay.