Pormal nang binuksan nito lamang Lunes ika-3 ng Abril taong kasalukuyan ang ika-443 taong anibersaryo ng probinsya o Agew na Pangasinan at ang Pista’y Dayat sa Capitol Beachfront sa bayan ng Lingayen.
Pinangunahan ang naturang mga okasyon sa probinsya ng Gobernador ng Pangasinan na si Governor Ramon MonMon Guico III kung saan ito umano ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na siya mismo ang magbubukas ng mga okasyong ito bilang gobernador.
Sa mensahe nito ay kanyang binigyang-diin ang mga malalaking programa na magaganap sa Agew na Pangasinan at Pista’y Dayat kung saan hinihikayat nito ang bawat Pangasinense na makilahok sa mga ito bilang paggunita sa mahalagang Araw ng probinsya.
Samantala, sa naging panayam naman ng IFM Dagupan kay Pangasinan Vice Governor na si Vice Governor Mark Lambino, sinabi nito na ang magaganap na mga okasyon na gaya na lamang ng mismong araw ng Agew na Pangasinan sa April 5 ay magiging simple lamang at symbolic dahil tumapat ito sa mismong panahon ng mahal na araw. |ifmnews
Facebook Comments