AGGAW NG GAMU, IDINARAOS SA BAYAN NG GAMU

CAUAYAN CITY- Ipinagdiriwang ngayon ang engrande at bonggang selebrasyon ng “Aggaw na Gamu” ng maliit na bayan ng Gamu, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Director General Maricell Lycia Tadeo, dalawang buwan ang ginugol nilang panahon upang paghandaan ang kanilang pista kabilang na rito ang paghahanda sa mga venue na gagamitin at mga kalahok sa mga aktibidad.

Aniya, tampok sa kanilang selebrasyon ang Gabi ng Gamueño, Mutya ng Gamu, Laro ng lahi, at Medical Mission.


Dagdag pa niya, ang temang “Aggaw na Gamu” ay naglalayong pag-isahin ang mamamayan ng Gamu sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyon.

Samantala, magpapasaya at magpapakilig naman sina Ian Veneracion, Christian Bautista, Jonalyn Viray, at Lucas Garcia sa dalawang araw na selebrasyon ng Aggaw na Gamu.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments