AGO, itinanggi na natuloy ang pagbitay kay Mary Jane Veloso

Itinanggi ng Attorney General’s Office (AGO) sa Indonesia ang balitang natuloy ang parusang kamatayan sa Pinay worker na si Mary Jane Veloso.

Ayon sa AGO, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita ukol sa kaso ni Veloso.

Kinumpirma rin ng Indonesian lawyer ni Veloso na si Agus Salim na nananatili ang Pinay sa Wirogunan Women’s Prison sa Yogyakarta.


Patuloy pa aniyang hinihintay ang desisyon mula sa korte sa Pilipinas.

Matatandaang nasentensiyahan si Veloso ng parusang kamatayan sa Sleman District Court sa Yogyakarta matapos makuhanan ng 2.6 kilo ng heroin sa kaniyang bagahe sa Adisutjipto International Airport noong 2010.

Facebook Comments