Agot Isidro, pinatutsadahan si Duterte sa hamon kay Robredo na pangunahan ang drug war

Image via Facebook/Agot Isidro

Duda ang aktres na si Agot Isidro sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bise Presidente Leni Robredo na pangunahan ang kampanya kontra iligal na droga.

Sa social media, ipinahayag ni Isidro na kung siya ang nasa posisyon ni Robredo, hindi niya raw pagtutuunan ng pansin ang hamon ng Pangulo.

Dahil giit ng aktres, si Duterte ang dapat tumapos sa pangako niyang pupuksain ang kalakalan ng iligal na droga sa bansa.


“Kung ako si VP Leni, di ko yan papatulan. Sasabihin ko lang… Ikaw ang nangako. Ikaw ang nagkalat. Ikaw ang maglinis,” saad ni Isidro sa isang Twitter post nitong Martes.

Duda rin ang aktres na hahayaan ng administrasyon na magtagumpay ang Bise Presidente kapag tinanggap ang alok ni Duterte.

“Because in all honesty, do you think they will let her succeed?” aniya.

Kasunod ito ng pahayag ni Duterte na ipapasa kay Robredo ang kapangyarihang pangunahan ang pagresolba sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Facebook Comments