AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES SA REGION 1, NAKAPAGTALA NG MATAAS NA MARKET SALES

Patuloy pa ring lumalago ang negosyo ng mga Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) sa Region I, ito ay sa kabila ng banta ng COVID-19.

Naitala mula Enero hanggang Agosto, nagkaroon ang mga ito ng 193% na increase sa market sales kumpara noong nakaraang taon — ang pinakamalaking pagtaas na naitala sa buong Pilipinas.

Umabot na sa P105.3 milyon ang napagbentahan ng mga ARBO ngayong taon na mas mataas ng halos doble kung ikukumpara sa P54.7 milyon na market sales ng mga ito noong 2020.


Ang pagtaas ng kita ng mga ito ay nag-ugat sa pagkakatala sa Ilocos Region na may pinakamataas na market sales sa mga Rehiyon sa bansa.

Pinuri ng Support Services Office (SSO) ng Department of Agrarian Reform Central Office ang patuloy na pagpupursige ng mga negosyanteng magsasaka.

Kabilang sa mga support services ng DAR ay ang pagtuturo sa mga magsasaka na pangasiwaan ang kanilang enterprise ng iba’t ibang samahan.

Sa pamamagitan naman ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) ay inilalapit ang mga ARBO sa malalaking buyer para maibenta ang kanilang produkto.

Facebook Comments