Pinabibilis ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang imbentaryo ng mga nakatiwangwang na Government Owned Lands (GOLs) para maisakatuparan ang pangako ng Marcos administration na maipamahagi ang mga ito sa loob ng anim na taon.
Sinabi ni Estrella na walang moratorium para itigil ang pamamahagi ng GOLs at State Universities at Colleges (SUCs).
Sa ngayon, higit sa 56,000 ektarya ng GOLs sa buong bansa na maaaring saklawin sa ilalim ng Executive Order 75.
Mula rito, humigit-kumulang 26,000 ibina-validate at target na ipamahagi nang walang bayad sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Tiniyak ni Estrella na ang mga hindi ginagamit para sa layuning pang-edukasyon lamang ang dapat isama sa imbentaryo ng mga lupain.
Inatasan na ng Kalihim ang kanyang mga Department of Agrarian Reform (DAR) field officials na mahigpit na makipag-ugnayan sa SUCs upang ang mga hindi lamang na ginagamit para sa ang mga layuning pang-edukasyon ang isasama sa imbentaryo.