Pinawi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pangamba ng ilang grupo na baka ibenta lang ng mga agrarian reform beneficiaries o ARBs ang lupaing iginawad sa kanila ng gobyerno.
Ayon kay Lee, bukod sa paglaya sa utang ay layunin din ng bagong Agrarian Emancipation Act na bigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka.
Sabi ni Lee, ito ay para ang pagsasaka ay maging kumikitang kabuhayan at hindi na maging isang kahig, isang tuka ang mga magsasaka.
Sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay binubura ang pagkakautang ng mahigit 600,000 ARBs sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program at ipinamahagi din ang mahigit sa 32,000 Certificate of Land Ownership.
Facebook Comments