Agresibong Joint and Combined operations noong 2023, tagumpay, ayon sa Militar

Inanunsyo ng Philippine Army na dahil sa tuloy-tuloy na pinaigting na Combat and Non-Combat operations, nakamit ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army ang panibagong milestone sa pagtupad sa kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga naninirahan sa Northern Mindanao at Cagara Region noong 2023.

Ayon sa Philippine Army, resulta ang tagumpay na ito ng 4th Infantry Division sa kanilang mga agresibong Joint and Combined Focused Military Operations.

Binida pa ng Philippine Army na mula January 1 hanggang Dec.31, 2023, aabot sa 101 encounters ang naganap na ikinasawi ng 43.


Communist Party of the Philippines- New People’s Army
(CPP-NPA) Terrorists at ikinaaresto ng ilang indibidwal kabilang na ang pagsuko ng 174 dating rebeldeng NPA.

Habang 209 firearms na kinabibilangan ng 185 high-powered at 24 low-powered firearms ang na-recover at isinuko ng mga dating rebelde.

Facebook Comments