Agresibong mass testing para sa mga pulis, sisimulan na ng PNP

Magsasagawa na ang Philippine National Police (PNP) ng agresibong mass testing para sa mga tauhan nito sa Metro Manila at iba pang lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pulis at civilian employees nitong tinatamaan ng virus.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Concurrent Commander ng Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Lieutenant General Guillermo Eleazar, bumubuo na sila ng protocol para sa schedule ng swab test para sa lahat ng police personnel sa Metro Manila.

Sa agresibong mass testing, mapoprotektahan din ang pamilya ng mga police personnel at ang komunidad kung saan sila nakatira.


Ang PNP ay mayroong dalawang molecular laboratories nsa loob ng kanilang National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City na kayang mag-accommodate ng 420 test kada araw.

Target nilang magsagawa ng testing 24/7 para sa kanilang mga tauhan at ilalabas ang resulta sa loob ng 24 oras.

Facebook Comments