𝗔𝗚𝗥𝗜 𝗔𝗧 𝗔𝗤𝗨𝗔𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡

Patuloy na binibigyang pansin ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City ang kanilang mga magsasaka at mga mangingisda kung saan magkasunod aktibidad ang kanilang naisagawa para sa makatulong sa mga ito.
Una nang naipamahagi ang mga calcium nitrate ay mga ibat ibang uri ng buto ng gulay sa kanilang mga magsasaka.
Nasa apat na raang bags ng vegetable seedlings ang ipinamahagi sa mga magsasaka kung saan nanguna sa programa ang LGU katuwang ang City Agriculture Office.

Samantala, nagsagawa rin sa lungsod ng profiling para agri-fishery based enterprises kung saan nagparegister ang mga retailer ng mga itlog sa ilalim ng Farmers and Fisheries Enterprise Development Information System. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments