Malapit nang magsimula ang pamahalaang panlalawigan ng La Union ng sarili nitong agri-registry at digital agri-marketplace para palakasin ang agri-production at tulungan ang kanilang mga magsasaka at mangingisda.
Sa isang virtual forum, sinabi ni JP Roma Duque, ang planning head ng La Union na hawak ng agri-registry ang profile o pagkakakilanlan ng mga magsasaka, mangingisda, kanilang mga kooperatiba, at organisasyon kung saan nagsimula na ang pre-work para dito at mayroon na itong mock-up.
Idinagdag niya na ito ay halos kapareho sa sistema ng pagpapatala ng Department of Agriculture para sa mga pangunahing sektor sa agrikultura.
Sinabi ni Duque na titiyakin ng sistema na ang mga interbensyon na ibinibigay sa mga agri workers ay angkop at pantay-pantay ang pamamahagi.
Samantala, ang digital agri-marketplace ay magiging online platform kung saan ang mga agri-product ng La Union ay direktang ibebenta sa online market saanman sa bansa.
Sinabi ni Duque na ang agri-marketplace ay ilulunsad sa ikalawang kalahati ng taong ito.
Aniya pa, sila umano ay mag-iimbita ng mga agri-preneur upang ang mga hindi madaling bumisita sa probinsya ay mas madali na lang online ang kanilang pag-avail sa mga produkto.
Ipinagdiriwang ng lalawigan ngayong buwan ng Mayo ang Farmers and Fisherfolk Month.

Facebook Comments