Naniniwala si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na malaki ang maiaambag ng pinalakas na agri-fishery at non -farm sector sa ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2)’ program ng pamahalaan.
Ayon kay Dar, ito ang solusyon sa sinasabing kawalan ng oportunidad sa kabuhayan at trabaho para sa mga lalawigan kung saan makikipag-ugnayan din sila iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Palalakasin ng DA ang kapasidad ng farmers’ cooperatives and associations at bibigyan sila ng technical, financial at marketing support upang matiyak ang tagumpay ng programa.
Naniniwala si Dar na sa balanseng pag-unlad ng rehiyon at pantay na pamamahagi ng yaman, resources at oportunidad ang magpapaandar sa modernisasyon at industriyalisasyon sa mga kanayunan.
Sa ilalim ng Agricultural Credit and Policy Council, mabibigyan ng pinansiyal na tulong ang mga benepisyaryo ng BP2 program kabilang ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), millennials at mga existing agripreneurs.