Agri-fishery sector, nanatiling matatag sa kabila ng mga bagyo, ASF at pandemya ayon kay Agriculture Sec. William Dar

Nasa tamang direksyon umano ang mga programa at polisiya ng Department of Agriculture (DA) sa kabila ng mga krisis na kinaharap ng farm at fishery sector.

Sa kaniyang ulat sa Economic and Infrastructure Development Clusters’ Pre-State of the Nation Address forum, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nanatiling matatag ang farm at fishery industries sa kabila ng epekto ng natural calamities, animal diseases at ng global pandemic.

Ngbigay aniya ng oportunidad ang mga hamong ito para makalikha ng innovation at transformation.


Kumpiyansa si Dar na makakamit ang target na 2.5 percent na paglago sa agriculture sector ngayong 2021.

Positibo rin aniya ang prospect para sa produksyon ng major agricultural commodities tulad ng mais, niyog, poultry at high-value crops.

Facebook Comments