AGRI LOKALTRADE FAIR 2026: PAGPUPUGAY SA MGA LOKAL NA BAYANI NG NEGOSYO AT AGRIKULTURA SAURDANETA CITY

Ipinagdiriwang ang sipag, galing, at pagkamalikhain ng mga lokal na magsasaka at artisan sa Agri Lokal Trade Fair na gaganapin mula Enero 8 hanggang 18, 2026, sa Urdaneta City, bukas araw-araw mula 9:00 AM hanggang 8:00 PM.

Layunin ng aktibidad na itampok ang mga produktong lokal—mula sa sariwang ani at masasarap na delicacies hanggang sa mga de-kalidad na handcrafted goods—na sumasalamin sa kultura, talento, at dedikasyon ng komunidad. Ang bawat produkto ay bunga ng tiyaga at pagmamahal ng mga lokal na negosyante na patuloy na nagbibigay-buhay sa lokal na ekonomiya.

Kabilang sa mga tampok na kalahok ang iba’t-ibang MSMEs tampok ang mga paboritong pagkain at produktong gawa sa lokal tulad ng special Banana Chips, Dairy Box, Kabute, Norly’s Dried Fish, at Mushroom.

Hindi rin pahuhuli ang mga malikhaing gawa at specialty items na Collectibles, gawa sa Beads, Play Thread at Cakes & Pastries—patunay na buhay at masigla ang lokal na sining at food entrepreneurship.

Ang Agri Lokal Trade Fair ay hindi lamang pamilihan, kundi isang selebrasyon ng lokal na identidad at pagkakaisa. Sa pagtangkilik sa mga produktong gawa ng sarili nating kababayan, sama-sama nating pinalalakas ang kabuhayan at kinabukasan ng ating komunidad.

Facebook Comments