Agri sector, mas pinatututukan ng mga mambabatas kay PBBM

Nais ng mga mambabatas na mas tutukan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtugon sa mga problema sa sektor ng agrikultura.

Sa kabila ito ng mataas na grado na ibinigay ng Senado sa unang taon ni Marcos bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinakamalaking poverty rates ng bansa ay nasa rural areas na 90 percent agriculture.


Kailangan aniyang ayusin ang value chain sa agrikultura at palakasin ang farm to table programs ng gobyerno para mapababa ang presyo ng pagkain.

Para naman kay Senator Koko Pimentel, mas malaking tulong kung magtatalaga na si Pangulong Marcos ng permanenteng kalihim ng DA.

Ito ay upang mas matutukan ang problema sa smuggling na bigo umanong naresolba sa unang taon ni pangulo.

Samantala, una nang sinang-ayunan ni Pangulong Marcos ang “incomplete” na gradong ibinigay sa kanya ng isang ekonomista pagdating sa sektor ng agrikultura.

Aminado siya na marami pang kailangang gawin at pagsusumikapan aniya ng kanyang administrasyon na matupad ang kanyang mga pangako.

Facebook Comments