AGRICULTURAL AT AQUACULTURE SECTOR SA MANAOAG, ISASAILALIM SA SURVEY NG PSA

Isasailalim sa isang survey ng Philippine Statistics Authority o PSA ang agricultural sector at aquaculture o pangisdaan sa bayan ng Manaoag.
Sa pagpupulong na isinagawa ng PSA at ng lokal na pamahalaan ng Manaoag, tinalakay ang ukol sa nagaganap na Census on Agriculture and Fisheries na nagsimula noon pang ika-apat ng Setyembre hanggang ika-dalawamput lima ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Ang sensus na ito sa buong bansa ay gagawin ng mga hinire na Census Supervisors and Enumerators na magsasanay kung saan magsusurvey ang mga ito sa mga kabahayan sa mga Barangay at ibibilang ang mga agrikultural at fisheries operators.

Importante ang pagkakaroon ng survey na para makakalap ng impormasyon at siyang magiging batayan ng gobyerno sa pagpaplano at pagbuo ng mga programa para sa socioeconomic development ng bansa. |ifmnews
Facebook Comments