Agricultural developments sa pagitan ng Pilipinas at Israel, palalakasin pa

Palalakasin pa ng  Department of Agriculture (DA) at ng Agency for International Development Cooperation of the Ministry of Foreign Affairs (AECID) ng Israel ang  kanilang ugnayan para sa  iba’t-ibang agricultural engagements sa bansa.

Nilagdaan  nina Agriculture Secretary Manny Piñol at Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz  ang Implementing Arrangement o IA ukol dito.

Ang kasunduan aniya ay naglalayong  isulong at suportahan  ang iba’t-ibang  agricultural developments na gagamitan ng Israeli technologies and expertise.


Binigyang halimbawa nito ang  paglikha ng  mga moderno at makabagong dairy farms, mga  irrigation system, at iba pang  agricultural cooperation.

Sinabi naman ni Ambassador Harpas, mula 1994 mayroon na silang  Economic Agreement sa Pilipinas at nais pa nilang makatulong sa paraan na mas mapaunlad pa ang bansa.

Facebook Comments