
CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng mga agricultural starter kits ang mga residente ng Barangay Sta. Maria, Cauayan City, Isabela mula sa 2nd-IMPFC at R-PSB Team, katuwang ang Agricultural Training Institute – Regional Training Center II (ATI-RTC 2 Cagayan Valley).
Ang mga ipinamahagi ay kinabibilangan ng 50 shovels, 50 kutsilyo para sa agrikultura, at 50 punla kasama ang organic fertilizer na may kabuuang halaga na ₱30,000.
Bukod dito, nagsagawa rin ng isang seminar tungkol sa Urban Gardening na pinangunahan ng R-PSB team sa ilalim ng pamamahala ni PCPT Emmanuel Villar Jr., sa superbisyon ni PLTCOL Avelino D. Canceran Jr., Force Commander, at sa pakikipagtulungan ng ATI-RTC 2 Cagayan Valley, na kinatawan ni Noemi Valdez, Training Specialist II.
Pinangunahan din ang isang feeding program para sa mga bata at senior citizens sa naturang barangay na pinondohan ng ₱8,000.