Agricultural training at agri-preneurship, gagawing prayoridad ng Department of Agriculture

Suportado ng Senado ang Department of Agriculture (DA) na gawing prayoridad ang agricultural training at i-promote ang agri-preneurship upang makatulong sa recovery ng ekonomiya at mapabilis ang rural development.

Kasunod na rin ito ng hangarin ng ahensiya na maging food security at resilient ang Pilipinas.

Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda at masiguro ang produksyon, availability, accessibility, affordability, price stability, sustainability at food safety sa bansa.


Bukod rito, lalo pang pinalakas ng agriculture sector ang pagbibigay ng livelihood, food security at economic activities sa kanayunan.

Facebook Comments