Agriculture officials ng Czech Republic, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo para sa food security cooperation

Bibisita si Czech Agriculture Minister Marek Výborný sa Pilipinas sa susunod na linggo upang magtatag ng kooperasyon na susuporta sa food security initiatives ng pamahalaan.

Ang pagbisita ay alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang pakikipagtulungan sa Czech Republic pagdating sa seguridad sa pagkain.

Sa isang joint press conference, sinabi ni Czech President Petr Pavel na kasama nila ang isang delegasyon ng mga negosyante upang magpakita ng interes sa pamumuhunan sa agrikultura at iba pang pangunahing sektor.


Makikipagpulong si Výborný kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel at pangungunahan nito ang isang business forum na gaganapin sa Makati sa March 21.

Ang delegasyon ay bibisita rin sa Davao para sa isang business forum at magsasagawa ng farm visit sa Tagum Agricultural Development Company, Inc. (Tadeco).

Nabatid na ang Czech Republic ay isa sa mga kasosyo ng Pilipinas na tumutulong sa pagsusuri at pagpapabuti ng mga value chain sa industriya ng pagawaan ng gatas ng sa bansa.

Facebook Comments