Lusot na sa Commission on Appointments ang pagtalaga kay Secretary William Dar sa Department of Agriculture.
Pangunahing isyu na tinatalakay ng mga miyembro ng CA sa pagsalang ni Dar sa confirmation hearing ay ang tumataas na presyo ng galunggong.
Paliwanag ni Dar, mababa ang lokal na produksyon ng galunggong dahil closed season ngayon.
Pero ayon kay Dar, kung dati ay nasa 150 thousand metriko tonelada ang inaangkat nating galunggong, ngayon ay nasa 45 thousand metric tons na lamang.
Kinontra naman ni Senator Francis Tolentino ang pag-angkat ng DA ng galunggong gayong sa budget hearing aniya ay sinabi nitong sapat naman ang prudoksyon ng galunggong sa bansa.
Inungkat din kay Dar kung naibibigay ang tulong para sa mga magsasaka na apektado ng rice tariffication law.
Tiniyak naman ni Dar na ang 10-bilyong piso mula sa
12-billion pesos na kinita sa pag aangkat ng bigas ay magagamit sa rice competitiveness enhancement fund.
Samantala, pinapasumite naman ni Senator Panfilo Ping Lacson kay Dar ang report ukol sa resulta ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y katiwalian sa pamamahagi ng farm equiment sa mga magsasaka.
Sa impormasyon ni Lacson, ay overprice o depektibo ang mga nasabing kagamitan.