Cauayan, Isabela – Nagbabala si Department of agriculture Secretary Emmanuel Manny Piñol sa lahat ng mga regional director ng nasabing kagawaran na masisibak sila sa puwesto kung hindi ipapatupad ng maayos ang mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa kaniyang pagdalaw kahapon sa siyudad ng cauayan, sinabi nito na dapat walang maiwang pera sa budget at kailangang nubenta porsiyento ay nagamit sa mga programa.
Nilinaw din nito na ang pagkakaroon ng savings ay hindi tama para sa isang tanggapan dahil ang ibig sabihin nito hindi naibigay lahat ang mga programa para sa mga magsasaka.
Kaugnay nito, hahayaan din niyang bumili ng mga kagamitan para sa mga magsasaka ang mga regional offices basta tiyakin lamang na ito ay matibay dahil kung ito ay madaling masira puwede ring maging daan ito para matanggal sa puwesto ang mga regional director.
DZXL558