Agriculture Secretary Manny Piñol, tiniyak na gagamitin ng tama ang rice tarrification law

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Agriculture Secretary Manny Piñol na mapapataas ng rice tariffication law ang produksyon ng sektor ng Agrikultura.

Ayon kay Piñol, malaki ang maitutulong P10-B kada taon na malilikom na tariif at duties sa rice importation sa ilalim Rice Competitiveness Enhancement Fund sa pagpapalakas sa production efficiency ng bansa.

Aniya, madadagdagan ang produksyon at mababawasan din ng 16% ang post-harvest loss dahil gagamitan na ng mechanization ang farming activity.


Sa taong 2019, Maglalaan ng P3-B ang gobyerno para sa pamamahagi ng high-yielding seeds na dinevelop ng IRRI at PhilRice na inaasahang magpapataas ng 2-metric tons ng aning palay mula sa 1-million hectares sa unang taon ng implementasyon.

Nasa P1-B naman ang ilalagay sa credit facility na ipapautang sa mga magsasaka para makabili ng pataba at mga farm inputs habang P1-B ay ilalaan sa technical skills training para sa pagpapaunlad ng farming technology

Ginawa ni Piñol ang pahayag sa gitna ng mga disinformation campaign para siraan ang tunay na layunin ng Rice Tariffication Act.

Facebook Comments