Ikinagulat ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga napaulat na may ikinasang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kapitan ng FB Gem-Vir 1
Sa isang pulong balitaan, nanawagan si Piñol sa social media na itigil na ang pagpapakakat ng mga haka hakang kuwento na nahdudulot ng kalituhan sa publiko.
Kanina, dumating sa tanggapan ng DA chief ang kusinero ng bangka na si Richard Plaza kasama si BFAR Regional Director Elazir Salilig ng MIMAROPA.
Si Plaza ang tanging gising noong binangga sila ng chinese fishing vessel.
Ayon kay Plaza, totoong nabangga sila ng Chinese fishing vessel at hindi isang drama lamang.
Aniya, inikutan at inilawan pa sila ng mga crew ng Chinese vessel pero ang hinanakit nila ay iniwan lamang sila.
Ayon kay Piñol, ipinauubaya na lamang niya sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang pagiimbestiga kung sinadya o aksidente ang nangyaring pagbangga ng chinese vessel sa bangkang pangisda ng Pilipinas.
Maituturing aniya na isolated ang nangyari at dahil hindi naman disputed ang Recto bank kaya tuloy tuloy pa rin ang
pangingisda ng mga kababayan sa recto bank
Tiniyak naman ng kalihim na mabibigyan ng tulong ng DA ang may ari ng bangka at mga mangingisda.
Makipag ugnayan din siya sa DSWD para matulungan ang mga mangingisda na dumadanas ng trauma dahil sa nangyari.