Umaksyon na si Department of Agriculture Secretary William Dar sa umano’y korapsyon sa importasyon ng karne ng baboy.
Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Frances Ramos na iniutos na ni Kalihim Dar na imbestigahan ang ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na umano’y may ilang kawani ng ahensya ang nakatatanggap ng “tongpats” o P5 to P7 kada kilo sa presyuhan sa pumapasok na imported na karneng baboy.
Nauna namang ipinahayag ni Atty. Jane Bacayo, Exec. Director ng DA-Minimum Access Value (MAV) Secretariat na nakasunod sa guidelines ang pag-iisyu ng MAV allocation.
Hindi aniya nagbago ang mga licensee na nabigyan ng alokasyon.
Sa ilalim ng MAV guidelines, ang mga licensees na 70% na nagamit ang kanilang allocation sa nakaraang MAV Year ay mapapanatili ang kanilang MAV allocation.
Ang MAV allocations at licenses ay di rin umano pwedeng ipasa sa iba.