Lingayen, Pangasinan — “Ang kinabukasan ng probinsya ay nakasalalay sa inyong kinabukasan.”
Ito ay ng binigyan ng halaga ni Governor Amado I. Espino, III noong Agew na Saray Ogugaw ng 2nd Pangasinan Umaani Expo 2018 na sinalihan ng halos 600 na estudyante noong ika-22 ng Marso.
“Ang pagod at sakripisyo namin ay preparasyon para sa inyong magandang kinabukasan”, dagdag pa ni Gov. Pogi na ang mga batang magsasaka ang pag asa ng probinsya ng Pangasinan.
Bilang isang lider at isang magsasaka, pinayuhan ni Gov. Pogi ang mga batang magsasaka na gamitin kung ano ang kanilang naintindihan sa mga ginawa nila ngayong araw na kung saan mas binibigyan ng pansin ang pagsasaka at agrikultura.
Sinabi rin niya na ang ‘Pasyar ed Uma’ (pag ikot sa sakahan) na may libreng pagsakay sa kalesa na nagnanais ipakita ang mga lumang transportasyon at pamamaraan na ginagamit ng magsasaka sa probinsya ng Pangasinan.
Kasama sa ruta ng paglilibot ang mga sumusunod: Provincial Agriculture Office Booth na nagbibigay diin sa mga rice and corn sectors; Bahay Kubo Edible Landscape na nagtatampok ng gulay na produkto ng probinsya; Fishyalan Village na tinataguyod ang mga gamit sa pangingisda at mga paraphernalias; Livestock Booth na puno ng mga hayop na pangsaka; at Abong na Nanduruman Uusaren Na Dumaralos nen Saman na kung saan pinapaalala ang sinaunang pamumuhay ng mga magsasaka.
Ang apat na paligsahan ng ‘SANGKA’ ay nakatutok din upang subukan ang galling sa pagluluto ng mga kabataan. Ang mga nanalo sa patimpalak ay sina: Anjhenica Mae C. Buscas at Charmelle B. Arenas (Pangasinan I Schools Division) — SANGKA-maongan ya manlutoy belas; Shavie Mae Javier at Martin Chad L. Soriano (Pangasinan II Schools Division) —SANGKA-maongan ya manlutoy pinakbet; Christian S. Veloria at Rio E. Cabanlog (Pangasinan II Schools Division) — SANGKA-maongan ya manlinis ya tilapia; at sila Froilan B. Marcos at Danzel Adam A. Piol (Alaminos City Division) — SANGKA -maongan ya mankalot na tilapia.
Bago mag umpisa ang programa,sabay-sabay din ang mga kalahok na uminom ng gatas ng kalabaw para sa programang ‘Gatas Kalabas Parad Ogugaw’.
Ang Dragon Titans Sandals ay naghandog ng 1000 na tsinelas na binigay sa mga kalahok pagkatapos ng programa.
Pinangunahan rin nila ang mga aktibidad ngayon: Si Dr. Sheila Marie Primicias, Superintendent ng Mga Paaralan ng San Carlos City Schools; Dr. Gloria R. Torres, Superintendent ng mga paaralan sa Urdaneta City; at Provincial Health Officer II Dr. Anna Ma. Teresa S. De Guzman.
(Based on PIO PR)